2 high value individuals, arestado sa buy-bust ops sa Pateros

2 high value individuals, arestado sa buy-bust ops sa Pateros
Inaresto ng Pateros police ang isang lalaki at babae na kinilala bilang mga high value individuals (HVI) sa isang buy-bust operations noong Hunyo 22.
Isinagawa ng pinagsanib ng operatiba ng Pateros police Drug Enforcement Unit (SDEU) at Intelligence Section ang operasyon sa Captain Musni Street sa Barangay Sta. Ana.
Kinilala ni Southern Police District chief Brig.Gen Kirby John Kraft ang mga naarestong suspek na sina Rolando Dela Peña, 36, at Jennifer Rigby, 31.
Nasamsam sa operasyon ang walong plastic sachets na naglalaman ng pinaghihinalaan shabu na may timbang na tatlong gramo na may halagang P20,400 at dalawang P100 bills na ginamit bilang buy-bust money.
Ang mga suspek ay dinala na sa Pateros police station at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022.
Jonathan Hicap