Marami ang nabibigla at tila hindi makapaniwalang netizens sa nakikita, napapanood, at nababalitaan nila pagdating sa relasyon ng dating magkaribal, ngayon ay nagko-collab na TV network: ang ABS-CBN at GMA Network.

Nagsimula ito noong Abril 2022 kung saan pormal na nagkaroon ng agreement ang ABS at GMA sa paglalabas ng ilang markado at tumatak na pelikula ng Star Cinema sa Kapuso Network, tuwing Linggo ng hapon.

MAKI-BALITA: Bigatin! Mga pelikula ng Star Cinema, mapapanuod na sa free channels ng GMA

Pagkatapos, ang ilan sa mga Star Magic at Kapamilya talents ay nakakapag-guest na rin sa Kapuso Network, gaya nina Dominic Ochoa para sa seryeng "Abot Kamay na Pangarap" gayundin ang P-Pop groups na BGYO at BINI. Ang ilan ay nakapaglalaro pa sa "Family Feud" para makapag-promote ng pelikula, gaya ni Gerald Anderson.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

MAKI-BALITA: Dominic Ochoa, mapapanood na sa Kapuso Network

MAKI-BALITA: BINI, trending sa kanilang guesting sa GMA

MAKI-BALITA: Gerald Anderson, naispatan sa balwarte ng GMA Network; maglalaro sa ‘Family Feud’

Sa pagpasok ng 2023, Enero pa lamang ay naihayag na ang kauna-unahang collaboration project ng dalawang network kasama ang VIU Philippines at Dreamscape Entertainment ng ABS, ang "Unbreak My Heart," na kasalukuyan nang umeere sa Primetime ng GMA at iba pang platforms nito, gayundin sa iWantTFC ng Kapamilya Network.

MAKI-BALITA: ‘Unbreak My Heart!’ GMA, ABS-CBN, at Viu, sanib-puwersa sa isang collab project

Bandang Abril din nang i-anunsyo ang tambalan nina Kapamilya star Julia Montes at Kapuso star Alden Richards para sa isang pelikula, na ipo-produce naman ng GMA Pictures at Cornerstone Entertainment. Kaka-anunsyo lang nitong Hunyo, magsasama rin sa pelikula sina Alden at Megastar Sharon Cuneta na identified bilang Kapamilya.

MAKI-BALITA: Alden Richards at Julia Montes magsasama raw sa pelikula

MAKI-BALITA: Alden Richards, Sharon Cuneta magsasama sa pelikula

Abril 26, 2023 nang ihayag naman na mapapanood na sa iWantTFC ang ilang mga markadong GMA shows gaya ng "Maria Clara at Ibarra" at iba pa.

MAKI-BALITA: Ilang mga palabas ng GMA, mapapanood sa iWantTFC ng ABS-CBN

At ang dalawa sa latest ngayong Hunyo, mapapanood na sa darating na Hulyo 1, 2021 ang "It's Showtime," longest-running noontime show ng ABS-CBN, sa GTV channel ng Kapuso Network. Naiulat na nga sa "24 Oras" ang panayam kay Unkabogable Star Vice Ganda, na dati ay bihirang mangyari.

MAKI-BALITA: It’s Showtime hindi bet mapanood ng 4:30pm sa TV5, kaya gora sa GTV

Sumunod, Star Cinema naman ang gagawa ng comeback movie nina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera, na may titulong "Rewind."

MAKI-BALITA: ‘Another plot twist!’ Kapusong DongYan gagawa ng pelikula sa Star Cinema

Sa lahat ng mga nangyayaring ito, hindi makapaniwala ang Kapamilya at Kapuso fans na posible palang magkatrabaho at magkaayos ang dalawang magkaribal na network, na isa raw sa mga naging mabuting dulot ng pagkawala ng prangkisa ng una. Hindi raw nila napagtantong darating ang araw na ito.

Hangad ng mga netizen na sana raw, matapos na ang "network war" o maiinit na balitaktakan at okrayan ng "fantards" ng dalawang network, dahil ang dalawa ay maayos naman at hindi magkagalit.

Ganito rin daw kasi sa showbiz industry ng South Korea kung saan kahit nakakontrata ang isang artista, malaya pa rin itong makagagawa ng proyekto sa iba pang network.