“You really have a big heart.” 

Ito ang mensahe ng Animal Kingdom Foundation (AKF), isang animal shelter sa Capas, Tarlac, sa aktres na si Teresa Loyzaga matapos umano nitong bumisita upang magpaabot ng donasyon para sa mga na-rescue na hayop doon.

Sa isang Facebook post nitong Huwebes, Hunyo 22, ipinahayag ng AKF ang kanilang pasasalamat sa pagbisita ni Teresa at pagbibigay umano ng tuloy para sa kaniyang rescued animals.

“Thank you Ms. Teresa Loyzaga for visiting us! Thank you for bringing donations to our rescued animals in Capas, Tarlac,” anang AKF.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

“It felt good meeting you, you really have a big heart and genuine love for the hapless animals. Looking forward to your participation in our missions in the future❤️,” dagdag nito.

Ang AKF ay isang a non-profit at non-government organization na kilala sa pag-rescue ng nangangailangang mga hayop tulad ng mga aso at pusa. 

Mayroon umano silang mahigit 200 rescued animals na inaalagaan sa kanilang shelter.

MAKI-BALITA: Lolang na-stroke, pinaampon kaniyang ‘di na maalagaang aso sa pamamagitan ng isang sulat

MAKI-BALITA: ‘A new home they deserve’: Dalawang asong namatayan ng fur parent, ni-rescue na