Idineklara ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. nitong Huwebes, Hunyo 22, ang Hunyo 20 ng bawat taon bilang National Refugee Day.

Ayon sa Proclamation No. 265 na nilagdaan ng Pangulo, nakasaad sa Section 11, Article II ng Konstitusyon na isang State policy ang pahalagahan ang dignidad ng bawat indibidwal at igalang ang kanilang karapatan.

Ang "World Refugee Day" ay itinalaga umano ng United Nations (UN) tuwing Hunyo 20 kada taon bilang pagbibigay-pugay sa katatagan ng mga tao na umalis sa giyera, karahasan, o pagkakakulong, at tumawid sa international border para humanap na kaligtasan sa ibang bansa.

“The Philippines has a longstanding humanitarian tradition of opening its arms to those who seek safety, and promoting an environment suitable for people forced to flee their countries of origin, stateless persons, and populations at risk of statelessness,” ani Marcos.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

"With more than 100 million people forced to flee globally, and with an estimated 264,000 persons of concern currently hosted by the Philippines, the government recognizes the necessity for a national observance of the 'World Refugee Day' to protect and uphold the rights of refugees, stateless persons, and asylum seekers, and increase awareness and recognition of their welfare, needs, and vulnerabilities," dagdag niya.

Inatasan naman ang lahat ng ahensya kabilang na ang mga korporasyong pag-aari o kontrolado ng gobyerno at mga unibersidad at kolehiyo na aktibong lumahok at magbigay ng kinakailangang suporta para sa pagpapatupad ng naturang proklamasyon.

Hinikayat din ang mga local government units, non-government organizations, civil society groups, Philippine-based UN agencies, at pribadong sektor na ipamalas ang paritisipasyon nila rito.

Ayon kay Marcos, ang deklarasyon ng National Refugee Day ay naaayon sa isa sa mga istratehiya sa ilalim ng Philippine Development Plan 2023-2028 na naglalayong magbigay ng anticipatory programs na tutugon sa pangangailangan ng bawat indibidwal sa mga sitwasyon ng karahasan at sigalot.