Balita
  • BALITA
    • Probinsya
  • SHOWBIZ
  • SPORTS
  • FEATURES
  • OPINYON
  • July 19, 2026

    Home
    arrow
    BALITA
    arrow
    National
    arrow

    Maharlika Investment Fund bill, malapit nang pirmahan ni Marcos

    Maharlika Investment Fund bill, malapit nang pirmahan ni Marcos

    By
    Balita Online
    June 22, 2023
    In
    BALITA National
    Maharlika Investment Fund bill, malapit nang pirmahan ni Marcos
    (Presidential Communications Office/FB)

    Maharlika Investment Fund bill, malapit nang pirmahan ni Marcos

    By Balita Online
    June 22, 2023
    In BALITA National

    Ibahagi

    Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na malapit na niyang pirmahan ang panukalang batas na lilikha sa Maharlika Investment Fund (MIF).

    "I will sign it as soon as I get it," paniniyak ng Pangulo sa mga mamamahayag.

    Gayunman, ipinaliwanag ng Pangulo na kailangan pa niyang himayin ang mga pagbabago sa approved version ng panukalang sovereign wealth fund ng Kongreso kung saan dapat ay hindi nakokontrol ng gobyerno upang magtagumpay.

    "We have made sure that it is not a government, it is independent from the government. One of the changes that even I proposed to the House is to remove the President as part of the Board, remove the Central Bank chairman, remove the Department of Finance," anang punong ehekutibo.

    Matatandaang binanggit ni Senate President Juan Miguel Zubiri nitong Miyerkules na pinirmahan na niya ang "corrected" version ng mungkahing MIF Act na may layuning makaipon ng dagdag na pondo ang pamahalaan para sa mga infrastructure project na makatutulong sa paglago ng ekonomiya ng bansa.

    Sa ilalim ng panukalang batas, ang MIF ay magkakaroon ng paunang puhunan na P500 bilyong huhugutin sa Bangko Sentral ng Pilipinas, gaming revenues at sa dalawang bangkong pag-aari ng gobyerno.

     

     

     

     

    Inirerekomendang balita

    Most wanted na Chinese ex-POGO employee, tiklo!

    Most wanted na Chinese ex-POGO employee, tiklo!

    Arestado sa ikinasang joint operation ng mga awtoridad noong Biyernes, Hulyo 17 sa Barangay Looc, Dumaguete City, Negros Oriental, ang isang 34-anyos na Chinese national na dating empleyado ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO). Ayon sa ulat ng Philippine National Police (PNP) noong Sabado, Hulyo 18, timbog si alyas “Xi” sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong robbery. Isinagawa...

    Mayor Leni, kinantiyawan sa Angat Bayanihan Run: 'Tatakbo na 'yan!'

    Mayor Leni, kinantiyawan sa Angat Bayanihan Run: 'Tatakbo na 'yan!'

    Tila makahulugan ang pasigaw na tukso ng mga dumalo sa Angat Bayanihan Run habang nagtatalumpati si Angat Buhay chairperson at Naga City Mayor Leni Robredo, sa awarding ceremony ng nabanggit na fun run sa Ayala Triangle Gardens, Makati City nitong Linggo, Hulyo 19. Habang sinasabi ni Robredo na hindi na raw dapat maghintay pa ang participants sa susunod na taon, magkakaroon na raw ang nabanggit na...

    PNP, isinasapinal na security measures para sa ikalimang SONA ni PBBM

    PNP, isinasapinal na security measures para sa ikalimang SONA ni PBBM

    Nagsagawa ng final check ang Philippine National Police (PNP) kaugnay sa seguridad ng ikakasang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa darating na Lunes, Hulyo 27 sa Batasang Pambansa sa Quezon City. Kasunod ito ng anunsyo ng PNP kung saan sinabi nilang aabot sa 20,000 pulis ang ide-deploy upang matiyak ang kaligtasan sa nasabing kaganapan....

    Features

    FEATURES

    1

    World Brain Day: Cellphone bago matulog, delikado nga ba sa utak?

    July 19, 2026

    FEATURES

    2

    ‘Wag n'yo akong patayin!' Pakiusap ng isang rider, kinaantigan

    July 19, 2026

    FEATURES

    3

    ALAMIN: Rerouting at road closures kasunod ng kilos-protesta sa Maynila sa Hulyo 19

    July 18, 2026

    FEATURES

    4

    ‘Perwisyo o benepisyo?’ Mga dapat malaman tungkol sa Pax Silica

    July 18, 2026

    FEATURES

    5

    Mga kantang hindi nawawala sa karaoke ng mga Pinoy

    July 17, 2026

    FEATURES

    6

    'Tatakas ka pa?' Listahan ng tumakas na cleaners, kinaaliwan

    July 17, 2026

    FEATURES

    7

    ALAMIN: 'Pag may tattoo, kriminal?' Papel ng pagta-tattoo sa kulturang Pilipino!

    July 17, 2026

    FEATURES

    8

    Ang simbolismo ng eskapularyo ni Lady of Mt. Carmel

    July 16, 2026

    Opinyon

    No author #KaFaithTalks: Bakit hindi natutupad lahat ng plano sa buhay? Sean Antonio
    No author #KaFaithTalks: ‘Survival mode na lang’ Posible pa bang umangat sa buhay ngayon? Sean Antonio
    No author #KaFaithTalks: Ang Diyos na patuloy nagpapala sa kasagsagan ng krisis Sean Antonio
    Nicole Therise Marcelo #KaFaithTalks: Magtitiwala kahit malabo, kahit sinusubok Nicole Therise Marcelo
    Nicole Therise Marcelo #KaFaithTalks: Tayo rin si ‘Barabbas’ Nicole Therise Marcelo
    BALITA SPORTS SHOWBIZ FEATURES OPINYON
    About Privacy & Policy Advertise Contact
    Balita