Ipinagbawal na sa isang paaralan sa Cebu City ang pagdadala ng laruang lato-lato dahil sa mga ulat umanong nakagagambala ito at maaari pang magdulot ng kapahamakan sa mga estudyante.

Sa isang memorandum na may petsang Hunyo 20, inatasan ng principal ng Abellana National School na si Nathanael Flores ang mga gurong ipaalam sa mga estudyanteng bawal nang magdala ng lato-lato sa loob ng campus.

“Attention is drawn to the growing popularity of “lato-lato” among children, as it has been observed that some students are bringing and playing with this toy inside the school campus. However, it is crucial to address this matter seriously due to reports indicating that this toy has caused injuries to players and, in some instances, has been used as a weapon resulting in trouble among children,” ani Flores sa naturang memo.

“The Food and Drug Administration (FDA) has issued three separate memorandums on June 13, strongly advising the public to refrain from purchasing several types of ‘lato-lato’,” dagdag nito.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sinabi rin ng pamunuan na nagdudulot ng pagkaabala sa “ongoing classes” at “learning activites” ang ingay na nagmumula sa paglalaro ng lato-lato.

“It is important to create a conducive and focused learning environment for all students and the noise from this toy can disrupt the learning process for both the user and the others nearby,” saad ni Flores.

Kukumpiskahin umano ng mga guro o school personnel ang makikitang lato-lato sa loob na paaralan.

“Confiscated toys will be deposited in the Assistant Principal’s Office and can be retrieved by the parent or guardian of the owner anytime within this schoolyear,” ani Flores.

Kinonsulta naman muna umano ang mga magulang, guro, at mga lider-estudyante bago ilabas ang naturang memorandum.