Humanga ang mga netizen sa isang graduate ng Bachelor of Secondary Education major in Mathematics sa West Visayas State University, Iloilo City, hindi lamang dahil summa cum laude at 1.1 ang kaniyang general weighted average (GWA), kundi dahil sa kaniyang pagbibigay-pugay sa kaniyang lolang nagsilbing "mama" at "papa" sa kaniya.

Sa pinag-usapang talumpati ni Yancy Aubrey Panugon, bukod sa pagkukuwento ng kaniyang mga pinagdaanan sa panahon ng pag-aaral, binigyang-pugay niya ang kaniyang lolang si "Mamang Norma" na sa kabila ng kaniyang kondisyon (bulag ang isang mata), ay nagawa pa ring gabayan at mag-provide sa kaniyang mga pangangailangan noong nag-aaral pa lamang siya.

Isa pa nga rito ay ang puntong matiyagang hinawakan pa ni Mamang Norma ang isang flashlight upang makapagsulat at makabasa siya dahil wala silang kuryente sa bahay. Ang tanging tanglaw lamang nila ay mga kandila at flashlight.

"I can still remember the nights when lola had to hold the flashlight over my shoulder so I can see what I am writing and reading," ani Yancy.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Kapag daw naubos na ang enerhiya ng baterya ng flashlight, nagtitiyaga siyang gumawa ng kaniyang school works sa tanglaw ng kandila. Kaya naman nagtataka ang mga guro niya kung bakit may mga patak ito ng kandila kapag ipinasa niya.

โ€œMy 73-year-old grandma had to walk kilometers to see me during card days or PTA meetings. As a child, I was confronted with these harsh conditions head-on, but fortunately, the ending to that chapter was not a letdown as I graduated as the top student, the class valedictorian, from A. Montes I Elementary School," kuwento pa ni Yancy.

โ€œI remember participating in quiz bees not for the love of competition but to win cash prizes, hoping to have some pocket money to survive high school and hang out with my friends at nearby fishball stands. But even then, money from those quiz bees wasnโ€™t enough."

"There were times when I had less than ten pesos to sustain an entire school day. It was a silent battle, fought hard with the undying determination of my uncle and grandma through a mix of literal and figurative blood, sweat, and tears,โ€ dagdag pa niya.

Bukod sa kaniyang lola, pinasalamatan din niya ang isa niyang guro na tumulong sa kaniya upang maabot ang kaniyang mga pangarap.

"๐†๐ซ๐จ๐ฐ๐ข๐ง๐  ๐ฎ๐ฉ ๐ฐ๐ข๐ญ๐ก๐จ๐ฎ๐ญ ๐ฉ๐š๐ซ๐ž๐ง๐ญ๐ฌ ๐ข๐ฌ ๐ก๐š๐ซ๐. ๐“๐ก๐š๐ง๐ค๐ฌ ๐ญ๐จ ๐ฆ๐ฒ ๐‹๐จ๐ฅ๐š, ๐ฐ๐ก๐จ ๐›๐ž๐œ๐š๐ฆ๐ž ๐ฆ๐ฒ ๐Œ๐š๐ฆ๐š ๐š๐ง๐ ๐๐š๐ฉ๐š. Salute to all who did their best to be the parental figure of children looking for love and appreciation," dagdag pa ni Yancy.

Pagbati sa iyo, Yancy!

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o โ€˜di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingย Facebookย atย Twitter!