Nabagbag ang damdamin ng mga netizen sa Facebook post ni "Malcom Andaya Sanchez," isang public servant mula sa Mandaue City, Cebu, matapos niyang ibahagi ang kuwento sa likod ng isang babaeng may hawak na picture frame at graduation gown, na dumalo sa commencement exercise ng Mandaue City College.

Ang babaeng dumalo sa seremonya at umakyat sa entablado ay kapatid ng graduate ng paaralan na si Abegail Inot ng kursong Bachelor of Science in Business Administration Major in Human Resources Management, subalit hindi na ito nakapagmartsa at nakaakyat sa entablado upang kunin ang diploma, dahil sumakabilang-buhay siya dahil sa sakit sa baga.

"Bitbit sa igsuon ang hulagway ni Abegael Inot nga graduate sa curso nga Bachelor of Science in Business Administration major in Human Resources Development Management sa Mandaue City College nga wala na intawon makatambong sa graduation kay aduna diay tawon gihambin nga sakit nga misangpot sa iyang kamatayon," mababasa sa Facebook post ni Sanchez.

Salin sa wikang Filipino, "Dala ng kapatid ang larawan ni Abegael Inot ga-graduate sa kursong Bachelor of Science in Business Administration Major in Human Resources Management sa Mandaue City College, na hindi naka-attend sa graduation dahil sa sakit na dahilan sa pagkamatay nito."

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Ayon sa ulat, pumanaw si Abegael noong Hunyo 16, at ang hiling daw nito sa kapatid na siya ang mag-proxy sa kaniya sa graduation ceremony para kunin ang kaniyang diploma.

Si Abegael daw ay sadyang masipag dahil bukod sa pag-aaral, nagtatrabaho raw ito sa gabi bilang call center agent at nagte-training naman sa post office.

Marami naman ang nalungkot sa mga netizen.

"Napakasakit at napakalungkot naman!"

"Condolences po... pero congrats na rin."

"Tanda ng kasipagan ng bata. Health is wealth pa rin talaga."

"May her soul rest in peace..."

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!