“Will you allow this to just keep happening?”

Ni-repost ni Carla Abellana ang kuwentong ibinahagi ng Animal Kingdom Foundation (AKF) tungkol sa isang asong ibinenta umano ng fur parents nito para katayin, at nanawagang itigil na ang pagpapahirap sa mga hayop.

“I use my platform so that you are aware of what happens around your neighborhood every single day,” saad ni Carla sa kaniyang Instagram post nitong Miyerkules, Hunyo 21.

“Because if you’re not aware, then how can you help put an end to such things? Will you allow this to just keep happening?”

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Doon ay ibinahagi na ng aktres ang post ng AKF, isang non government organization, hinggil sa asong nagngangalang “Spot” na ibinenta umano ng kaniyang fur parents para katayin.

“MY NAME IS SPOT. I SUFFERED A SLOW, PAINFUL DEATH,” anang AKF sa naturang post na animo’y ang aso ang nagsasalita.

“Do you see I have a collar? YES, I WAS SOMEONE’S PET. Sadly, THEY SOLD ME, to be SLAUGHTERED, for my MEAT,” dagdag nito.

Dahil daw sa ilang daang piso na nakuha ng “tinuturing na pamilya” ni Spot na kapalit naman ng pagbenta sa kaniya ng mga ito, naranasan niyang maghirap hanggang sa tuluyang mamatay.

“MY LIMBS WERE FORCIBLY TIED BEHIND MY BACK. I HEARD MY BONES CRACK. Then I was PUT INSIDE A SACK. I was GASPING FOR AIR, until I can no longer breathe, then everything just turned black. . . I SUFFOCATED AND DIED,” anang naturang post.

“WHAT DID I DO? WHY DID I HAVE TO DIE? I ONLY HAVE PURE LOVE TO GIVE TO MY HUMANS, OH, I CALL THEM MY FAMILY BY THE WAY 😔.”

“I PRAY THAT NO MORE DOGS WILL HAVE TO SUFFER LIKE ME. PLEASE DON’T FORGET MY NAME, MY NAME IS SPOT,” saad pa nito. 

Sa huling bahagi ng post ni Carla ay makikita ang mga hashtag na “#EndTheDogMeatTrade #StopAnimalCruelty.”

Sa ilalim ng Republic Act of 8485 o “Animal Welfare Act of 1998”, ipinagbabawal ang pagpatay o pagpapahirap sa mga hayop, tulad ng aso.

Maaaring makulong ng anim na buwan hanggang dalawang taon at magmulta ng ₱1,000 hanggang ₱5,000 ang sinumang lalabag dito.