Inanunsyo ni Manila Mayor Honey Lacuna nitong Huwebes na may kabuuang 576 na empleyado ng Manila City Hall ang binigyan ng pagkilala sa kanilang mahabang taon ng serbisyo bilang bahagi ng isang buwan na selebrasyon sa paggunita sa anibersaryo nang pagkakatatag ng lungsod sa Sabado, Hunyo 24. 

Ayon kay Lacuna, ang mga empleyado na nakapagbigay ng 'di matatawarang serbisyo para sa lungsod at sa mamamayan nito ay binigyan ng "City Service Loyalty Awards" nitong Miyerkules.

Mismong si Lacuna ang nanguna sa seremonya na kumikilala sa mga kawani na nakapaglingkod sa pamahalaang lungsod sa loob ng  25, 30, 35, 40 at 45 taon.

Ang 576 na kawani ng pamahalaang lungsod ay binubuo ng 176 na kawani na may 25 years of service, 247 na kawani na may  30 years of service, 123 kawani na may 35 years of service,  17 na kawani na may 40 years of service, 12 na kawani na may mahigit  40 years of service at para sa compulsory retirement  at isang empleyado  na may 45 years of service sa pamahalaang lungsod ng Maynila.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Ayon sa alkalde, ang mga awardees ay pinagkalooban ng certificate at cash gift bawat isa sa kanilang dedikasyon sa serbisyo sa publiko. 

Kabilang sa mga awardees ay si Judyboy 'Jun'  Reloban, na naglilingkod sa Manila City Hall Reporters' Association (MACHRA).

Samantala, pinuri ni Lacuna ang mga tumanggap ng pagkilala sa kanilang  dedikasyon at paggugol ng mahabang panahon ng kanilang buhay sa paglilingkod sa mamamayan ng Maynila.

Nanawagan din siya sa mga batang empleyado na pamarisan ang katapatan at dedikasyon ng mga tumanggap ng pagkilala na kanyang pinuri sa pagbibigay ng magandang pangalan sa terminong  'public service.'