₱4.4M smuggled na sigarilyo, nasamsam sa GenSan
(File Photo)
₱4.4M smuggled na sigarilyo, nasamsam sa GenSan
Nasa ₱4.4 milyong halaga ng puslit na sigarilyo na lulan ng isang truck ang naharang sa General Santos City kamakailan.
Ang nasabing kargamento ay nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC)-Enforcement and Intelligence Unit; 603rd Brigade at 37th Infantry Battalion ng Philippine Army at PNP-regional maritime unit sa isang checkpoint sa nasabing lungsod.
Umaabot sa 8,200 ream ng sigarilyo ang karga ng naharang na truck, ayon sa BOC.
Kaagad na sinamsam ng mga awtoridad ang mga sigarilyo dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).