Naging emosyunal at nagkaiyakan sa naging kauna-unahang media conference ng TVJ at iba pang "legit Dabarkads" para sa paglipat nila sa bagong tahanan, ang TV5 na pagmamay-ari ni Manny Pangilinan.

Simula nang layasan nila ang TAPE, Inc. at ang naiwang noontime show noong Mayo 31, ngayon lamang humarap nang buo sa press ang mga nag-exodus na hosts.

Hindi napigilan nina Vic Sotto at Joey De Leon na maiyak habang sumasagot sila sa ilang mga tanong ng media peepz. Nang tanungin si "Bossing"

“Ako more than half of my life… sa Eat Bulaga, kapag absent ako, parang may kulang sa buhay ko tapos kukunin lang ng kung sino-sino? Hindi papayag si MVP," ani Bossing.

National

Joe Biden, kinondena 'assassination attempt' kay Donald Trump

Sa bandang pagpapasalamat naman, naiyak na si Bossing kaya sinalo na siya ni Boss Joey.

"Ang feeling namin para kaming si St. Joseph, Mama Mary, na naghahanap ng bahay. Hindi ko naman sinasabing ito'y sabsaban, napakagandang sabsaban nito. Napakalaki... pero nagbigay ng tahanan. Thank you... thank you sa lahat," naiiyak na sabi ni Joey.

"In other words, thank you is not enough. Salamuch!" sey naman ni dating senate president Tito Sotto III.

"Maraming-maraming salamat. Kumatok kami, pinagbuksan n'yo kami ng pintuan, at talagang ramdam na ramdam namin ang pagmamahal, pagmamahal na hindi boss kundi isang Kapatid," pahayag naman ni Vic nang makabawi-bawi na ito.

"Siguro nga, dito na kami dinala ng tadhana," dagdag pa niya.