Hindi naman na matawaran ang mga paghahandang ginagawa ni Herlene “Hipon Girl” para sa paglahok niya sa Miss Grand Philippines 2023 na gaganapin na sa Hulyo 13, 2023 sa Mall of Asia Arena, Pasay, Metro Manila, Philippines.

Ipinabatid naman niya sa publiko na dahil sa hiling ng kaniyang manager na si Wilbert Tolentino, kaya’t napapayag umano siya na muling sumabak sa mundo ng pageantry.

Tila hindi naman na maitatanggi ang naging transpormasiyon ni Herlene lalong-lalo na sa kaniyang looks. Makikita talaga ang mga pagbabago gaya na lang sa hair and make-up niya noon at sa ngayon.

Ibinida ni Herlene sa kaniyang Instagram post ang "behind-the-scenes" para sa paghahanda niya sa "press presentation" nila.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Matatandaang nakilala at sumikat si Herlene sa programang ‘Wowowin’ bilang isang contestant. Tinawag siyang “Hipon Girl” dahil daw sa "tapon-ulo-at-kain-katawan" nito.

Dahil sa likas nitong pagiging komedyante, kinalaunan ay naging regular host na ito ng nasabing programa.

Hati naman ang mga naging komento ng netizens sa kaniyang Instagram post kahapon, araw ng Martes Hunyo 20, 2023.

"Ligwak na agad si ses sa Q&A, more practice pa ses"

"Something Grand! Herlene Budol for MG’PH 2023."

"Wala nang problema sa looks, sa Q&A na lang."

Anuman ang maging resulta ng Miss Grand Philippines 2023, hindi na makalilimutan ng sambayanang Pilipino ang isang ‘Hipon Girl’ Herlene Budol.

Arci Brezuela Rutagenes