Usap-usapan ngayon ang kumakalat na video ng naging pagsagot ni Kapuso actress at kandidata ng Miss Grand Philippines na si Herlene Budol, sa Q&A portion ng preliminary competition nito, Hunyo 20, 2023.
Tanong sa kanya ng judge: "Apart from your social media following, what else have you got in order to win the crown?"
“Thank you for that looong question for me... Charoz... I have a big followers because I have a big heart! O, English 'yun, ha? Ano nga ulit 'yung tanong?” ani Herlene.
"What else do you think you have you got in order to win this year?" sey ng judge.
"What?" tanong uli ng beauty queen-actress.
"Ano pang meron ka maliban sa iyong social media following?" pag-ulit ng hurado na nasa wikang Filipino na.
“I think this is the right time. Last year siguro po hindi ko oras. Ang sabi nga ng adbokasiya ng Miss Grand is, ano ba 'yun? World peace and... stop the war and peace... and since I was young (giggles) -- ang sarap mag English -- naranasan ko pong ma-bully sa eskwelahan, mabugbog sa tahanan, at dumayo sa ibang bansa bilang... ay! Dumayo sa ibang bansa, natutukan ng tatlong baril na talagang armalite at naging isang dayuhan. Para sa akin ang solid ng experience na 'yun. Ayaw ko ma-experience ng iba yon!" aniya.
"Kaya bilang Miss Grand, sisimulan ko sa aking experience na ipalaganap sa ibang tao na huwag matakot. Kahit anong pinagdaanan ng mga tao na nakangiti, may katuturan 'yun. At ikaw ang magiging lakas ng ibang tao upang... maging lakas. Hindi ko ma-explain eh... sana po nasagot ko," aniya pa.
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.
"Yeks! Gumanda nga, parang nasa comedy bar naman ang sagutan. Mahiya ka naman sa mga ibang kandidatang naghanda teh!"
"Wag na kasi dapat ipilit ang mga bagay na talaga hindi fit sa'yo. Nagiging katatawanan ka lang para sa iba. At 'yan ang masakit para sa iba."
"Nasa wikang Filipino na nga yung pagsagot mo, sana ayusin mo na!"
"Dapat gumamit na lang siya ng interpreter hahaha."
"More! More practice."
"Okay naman sinasabi niya, tigil-tigilan lang yung pagpapatawa, hindi naman 'yan comedy bar teh. Hindi kasi witty. Napaghahalataang hindi alam ang sasabihin o isasagot kaya nagpapatawa."
"Hala winalwal lang hahaha... praktis ka pa neng, laugh trip."
"Be serious and stay focused in answering questions po. Wag po haluan ng biro. In that way, maybe masasagot nyo po siguro nang maayos."
"Wala namang mali sa mga tanong na hindi mo maintindihan. Pinasok mo ang pageantry kasama na diyan ang pagiging professional sumagot. Next time, maging seryoso na lang at paghandaan. Ang haba ng panahon para magprepare ka pero parang nakaligtaan mong iprepare ang q&a part."
Sa kaniyang Facebook post ay humingi naman ng paumanhin si Herlene.
"Sa sobrang kaba ko po hindi ko po naexplain yung kung anong gusto ko pong sabihin sorry I admit di po ako magaling sa lahat ng bagay and sorry kung nawalan po kayo sa'kin ng kumpyansa sa isang pagkakamali I’ll try my best to make you proud.," aniya.
"Hindi ko po nilaro di'ko lang po talaga na gets yung tanong and I accept it. Hindi po ako perpekto. Thank you for those people na naniniwala pa rin po sa akin," paumanhin pa ni Budol.
Mapapanood ang mga pangyayari sa opisyal na Facebook page ng Miss Grand Philippines.