Ginawaran ng Department of Health (DOH)– Ilocos Region ng ‘green stars’ ang 12 health facilities sa Pangasinan, Ilocos Sur at Ilocos Norte, na ikinukonsidera bilang regional awardees at sinertipikahan bilang ‘green, safe at climate-resilient hospitals.’

Sa isang kalatas nitong Miyerkules, nabatid na ang pagkilala ay ipinagkaloob base sa balidasyon ng isinumiteng Green Viability Assessment (GVA) Tool na isinagawa ng DOH - Health Facility Development Bureau (HFDB) at ng Regional Health Facility Development Unit (HFDU) mula Mayo 17 hanggang Hunyo 1, 2023.

Kaugnay nito, nagpaabot din si Regional Director Paula Paz M. Sydiongco ng pasasalamat sa mga pagamutan na nakilahok sa aktibidad.

“Napakaimportante po sa amin ang inyong naging participation because it displayed your commitment and initiative towards making your hospitals energy-efficient and climate change resilient kasama na dito ang pag-pursue at pag-raise ng standards to ensure that your facilities are aligned with the existing national policies,” ani Sydiongco.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“The provision of health needs is a whole of government and a whole of society approach and ensuring the highest possible level of health and well-being of patients and health workers in health facilities involves everyone’s mutual cooperation,” dagdag pa niya sa kauna-unahang green, safe and climate-resilient hospitals awarding na idinaos sa Ilocos Sur noong Hunyo 16.

Nasa kabuuang 11 pagamutan at isang Drug Treatment and Rehabilitation Center mula sa 14 health facilities na isinailalim sa ebalwasyon, ang nakapasa sa GVA tool.

Walo sa mga ito ang public hospitals, tatlo ang mula sa pribadong sektor at ng isa ang drug treatment and rehabilitation center.

Anang DOH-Ilocos Region, ang bawat awardees ay pinagkalooban ng electrocardiogram machine.

Samantala, tiniyak naman ni Assistant Regional Director Rodolfo Antonio M. Albornoz na susuportahan ng regional office ang awardees na awtomatikong kalahok sa national awarding na gaganapin sa Nobyembre 2023.

“Let us continue this meaningful collaborative partnership in making our health facilities green, safe, and climate-smart hospitals that reduce greenhouse gas emissions, achieve risk reduction, and are cost-efficient,” aniya.

Ang mga health facilities na tumanggap ng three-star awards ay ang Ilocos Sur District Hospital -Narvacan na may average score na 77.03%; Ilocos Sur District Hospital - Tagudin na nakakuha ng 81.56%; Ilocos Sur Medical Center na may 81.56%; Candon City General Hospital na may 77.05%; Bayambang District Hospital na may 77.08%; Pangasinan Provincial Hospital na may 76.15%; Lingayen District Hospital na may 76.03%; Ilocos Sur District Hospital -Bessang Pass Cervantes na may 76.01%; at Laoag City General Hospital na may 81.40%.

Kabilang naman sa four-star awardees ang Laoag City General Hospital na may 81.40% average score, Metro Vigan Hospital na may 94.17% at Dagupan Drug and Rehabilitation Center na may 94.60%.

Ang Black Nazarene Hospital Inc. naman ang nakakuha ng pinakamataas na average score na may 98.41% at ang tanging recipient ng five-star award.

Sinabi ni Regional HFDU Head Cheryl D. Buhong na ang regional office ay nagkaloob ng capacity-building activities sa lahat ng awardees, kabilang na ang iba pang pagamutan upang matiyak na ang mga kanilang health facilities ay ‘green, safe, at climate-resilient.’