Sa panibagong update ni Queen of All Media Kris Aquino nitong Lunes, Hunyo 19, ibinalita niyang bumalik na sa Maynila ang bunsong anak na si Bimby at pinayagan na umanong makipagkita at makipag-ayos sa kaniyang amang si James Yap.

Bagama't walang binanggit na pangalan, naniniwala ang mga netizen na tungkol sa relasyon ni Bimby sa kaniyang ama ang tinutukoy ang actress-TV host, lalo na't katatapos lamang ng pagdiriwang ng Father's Day.

Naganap ang rebelasyong ito nang tila "pumalag" si Tetay sa wala umanong consent na pagdedetalye ng kaniyang "special someone" na si Batangas Vice Governor Mark Leviste, sa kanilang relasyon sa publiko.

MAKI-BALITA: ‘For my peace of mind!’ Kris Aquino, may nilinaw tungkol sa kanila ni Mark Leviste

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ani Kris, naranasan na niyang "fatherless" pagkatapos ng Martial Law at ayaw niyang maranasan ito ng kaniyang anak.

Isa pa, nasa hustong edad na raw si Bimby para magdesisyon sa kaniyang sariling buhay.

"On a happier note: no names shall be named BUT it will be easy for you to figure out… maraming pinagdaanan. maraming hindi pagkakaunawaan pero ayokong masabi na pinipigilan ko si bimb… my own childhood was fatherless because of Martial Law so why’d i subject my bunso to the same fate?"

"From the time Bimb was 8, he had the freedom to decide… now at 16 i told him- “When someone reaches out after 7 years, and there’s a chance for PEACE, then everyone WINS.'"

"Yesterday Father’s Day, my bunso made me proud - he’s had the number to contact for almost a week, and the reluctance was so real, yet he took the 1st step towards rebuilding a relationship that I know will require some time to repair PERO ang mahalaga ay nagsimula na…" ani Kris.