‘Hindi pa po ako patay, gagraduate pa lang .’

Ito ang kwelang paglilinaw ng Psychology graduate na si Jaecee Yong, 22, mula sa Bulacan, matapos siyang sunduin ng kaniyang Tito habang nakasakay sa kotseng may nakapaskil na tarpaulin sa araw ng kaniyang pagtatapos.

Sa panayam ng Balita, ibinahagi ni Yong na ginawa niya ang kwelang post dahil pinagtitinginan na raw ang kaniyang Tito kanina dahil parang sa mga patay daw ang setup ng pagsundo nito.

“Hindi pa naman po ako lumalabas ng bahay madalas kaya baka mamaya isipin ng mga tao lalo't mga ‘di nagbabasa eh patay na nga ako,” natatawang kuwento ni Yong.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

“Di rin po kasi namin inexpect na pina-tarp po pala ako ng tito ko, yung susundo po sa amin pahatid ng graduation namin today kaya kahit po ako nagulat.”

Inisip na lang din daw ni Yong na ginawa lang ng kaniyang tito ang naturang “kalokohan” dahil malakas talaga silang magbiruan noon pa man, at ang totoo ay proud talaga ito sa kaniya.

“Sabi ko po sa kaniya siya magpaliwanag na buhay pa po ako sa mga makakakita hahaha.”

Bagama’t kung sa unang tingin ay maaaring mapagkamalan ngang magsusundo ng ililibing ang sasakyan, kung babasahin namang mabuti ang nakalagay sa tarpaulin ay makikita kung gaano ka-proud ang tito ni Yong lalo na’t nagtapos ito ng Maga Cum Laude sa Bulacan State University nitong Martes, Hunyo 20.

Bukod sa pagiging Latin Honor, nagkamit din umano siya ng “leadership award.”

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!