Higit 400 katao, arestado sa isinagawang anti-crime drive
Arestado ang nasa kabuuang 420 katao sa isinagawang week-long anti-criminality campaign ng Central Luzon police mula Hunyo 12 hanggang 18.
Sa bilang ng mga naaresto, nasa 137 ang may warrant of arrest sa kasong pagpatay, rape, at frustrated murder.
Nasa 149 naman ang naaresto dahil sa iligal na droga, 114 ang naaresto dahil sa illegal gambling, 15 ang nahuli dahil sa illegal possession of firearm, at lima naman ang naaresto para sa paglabag ng iba pang special laws.
Samantala, ayon kay Police Regional Office 3 Director Brigadier Gen. Jose Hidalgo Jr., nakumpiska ang 62 sari-saring baril ang nakumpiska kabilang din ang 9435.53 gramo ng umano'y shabu at marijuana na may dangerous drug board value na P3,404,986.40 at nakuha rin ang P63,591.00 cash bests.