Ikinagulat ng mga Kapamilya at Kapuso viewers ang tila kumpirmasyong mapapanood na nga sa "GTV," sister channel ng GMA Network, ang noontime show na "It's Showtime" ng ABS-CBN.

Ibinahagi sa opisyal na Facebook page ng "It's Showtime," "GTV," at ng dalawang network ang isang art card kung saan kumpirmadong mapapanood na sa kanila ang nabanggit na noontime show.

"Madlang people, let's make some noise!" mababasa sa caption ng Facebook post.

Larawan mula sa FB page ng It's Showtime, GTV

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Batanes

Ilan lamang ito sa mga nakagugulat na "partnership" ng Kapamilya at Kapuso Network na dating mahigpit na magkaribal. Nauna na rito ang pagpapanood ng mga markadong pelikula ng "Star Cinema" sa GMA Network tuwing Linggo.

Sumunod naman, ang kauna-unahang collaboration series nila na "Unbreak My Heart" nina Jodi Sta. Maria, Richard Yap, Gabbi Garcia, at Joshua Garcia.

Idagdag pa ang pagpapalabas ng mga GMA shows sa iWantTFC app ng ABS.

Kahapon ng Lunes, Hunyo 19, nauna nang maiulat sa Balita ang pinag-usapang naging naging pahiwatig ni Vice Ganda tungkol dito, sa intro ng kanilang noontime show.

MAKI-BALITA: ‘It’s Showtime sa GTV?’ Intro ni Vice, co-hosts tungkol sa pagiging ‘G na G’ usap-usapan

Matatapos na umano ang kontrata ng blocktime agreement ng It's Showtime sa TV5 sa darating na Hunyo 30, at nagkataon namang magsisimula na sa Kapatid Network ang noontime show ng TVJ, sa slot na babakantehin ng Showtime.

Pero ang tanong, tuloy pa rin ba ang It's Showtime sa TV5 sa ibang timeslot nga lang?

Mapapanood ang It's Showtime sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z Channel 11, Jeepney TV, at idagdag pa nga ang GTV.