Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang probinsya ng Davao Oriental nitong Martes ng umaga, Hunyo 20, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 9:45 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 104 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Governor Generoso, Davao Oriental, na may lalim na 56 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensity I sa Kiamba, Sarangani.

National

Palasyo, walang impormasyon na aarestuhin umano ng ICC si VP Sara

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol. 

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.