Hindi pa rin nasungkit ng mga lotto bettor ang ₱292,700,994.40 jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58. 

Sa bola nitong Martes, Hunyo 20, walang nakahula ng 09-26-27-33-43-11 winning combination ng nasabing lotto game. 

Bukod dito, hindi rin napanalunan ang ₱29,046,723.00 jackpot prize ng Lotto 6/42 dahil walang nakahula sa winning combination na 14-21-08-36-23-10. 

Gayundin ang ₱15,840,000 premyo ng Super Lotto 6/49 na may winning numbers na 29-07-20-35-42-39.

Eleksyon

COC Filing Day 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Kaya asahan na mas tataas pa ang mga jackpot prize ng mga nabanggit na lotto games.

So, sugod na sa pinakamalapit na lotto outlet at tayaan ang inyong paboritong numero. 

Ang Ultra Lotto 6/58 ay binobola kada Martes, Biyernes, at Linggo habang ang Lotto 6/42 ay kada Martes, Huwebes, at Sabado at tuwing Martes, Huwebes, at Linggo naman ang Super Lotto 6/49.