Muli na namang nagpakawala ng makahulugang hirit ang TV host-comedian na si Joey De Leon, tungkol sa "tama" at "mali."

Mababasa sa kaniyang Instagram post ang hirit, na sa espekulasyon ng mga netizen, ay pasaring niya sa producer ng nilayasang noontime show na "Eat Bulaga," at sa GMA Network, dahil malapit nang mag-ere sa TV5 ang bagong noontime show ng TVJ at dating original EB hosts, na bulung-bulungang may working title na "This is Eat!" kung hindi mapupush ang paggamit nila ng orihinal na "Eat Bulaga" dahil hanggang ngayon ay gamit-gamit pa rin ito ng TAPE, Inc.

"Noon, ang sabi ko sa 'Wow, Mali!'. ANG TAMA NAKAKATUWA, ANG MALI NAKAKATAWA. Ngayon at malapit na, sa 'Wow, LIMA!', ANG TAMA LIMA, ANG MALI SILA! (rolling on the floor laughing emoji) Smile," caption ni Joey.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

National

PBBM, hindi raw imbitado sa inagurasyon ni US President-elect Trump?

"Eat Bulaga sa 5 at Eat Bulagta sa 7!"

"Pa-MALI MALI kasi sila ng desisyon hahaha."

"Maling-mali talaga sila... mga legit dabarkads malapit na!"

"Saludo Henyo Master! Eto yung literal na real talk! Waiting na po kami dito sa Abu Dhabi UAE."

"Kaya kayo naboboljak eh… sa mga ganitong jokes na mas matanda pa sa inyo. Di marunong maki-uso sa present man lang! Be open to change. Hindi yung kung ano lang nakagawian!"

Matatandaang sa naging panayam ni TV5 news anchor Julius Babao kay Joey, nagbigay siya ng ilang mga rebelasyon tungkol sa naging isyu ng TVJ at iba pang hosts sa TAPE, Inc.

Inamin din ni Joey na hindi umano namagitan sa kanila ang GMA Network.

MAKI-BALITA: Sey ni Joey: GMA walang paramdam, kumusta matapos ang ‘exodus’ sa Eat Bulaga?

Bagay na nilinaw naman ni GMA Senior Vice President Annette Gozon-Valdes. Aniya, hindi sila nangialam sa isyu dahil ito ay sa pagitan ng TAPE, Inc. at TVJ. Hindi raw nila contract artists ang TVJ, subalit kung sila ang magdedesisyon, hindi nila pakakawalan ang mga haligi at poste ng noontime show.

MAKI-BALITA: GMA, kanino pumapanig sa TVJ-TAPE saga? Annette Gozon-Valdes, nagsalita

Umaasam pa rin umano ang GMA na muli nilang makakatrabaho sa network ang mga umalis na hosts.

MAKI-BALITA: Annette Gozon-Valdes, bet pa ring makatrabaho ang TVJ, iba pang EB hosts sa GMA