Tila mas tataas pa ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 dahil hindi napanalunan ang mahigit ₱279 milyong premyo sa huling bola nitong Linggo, Hunyo 18.
Sa draw results na inilabas ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), walang nakahula sa winning combination na 09-12-51-07-15-18 na may katumbas na ₱279,303,056 na premyo.
Wala ring nanalo sa Super Lotto 6/49 na may premyong ₱15,840,000 dahil walang tumama sa winning numbers na 40-06-45-32-04-49.
Dahil dito, asahan na mas tataas pa ang mga papremyo sa susunod na bola.
Probinsya
Tatay at kapatid, rumesbak sa away ng mga estudyante sa loob ng eskwelahan!
Ang Ultra Lotto 6/58 ay binobola tuwing Martes, Biyernes, at Linggo habang ang Super Lotto 6/49 ay kada Martes, Huwebes, at Linggo.