Safety certificate ng nasunog na barko sa Bohol, sinuspindi
Safety certificate ng nasunog na barko sa Bohol, sinuspindi
Sinuspindi na ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang safety certificate ng pampasaherong barkong nasunog sa karagatang sakop ng Panglao, Bohol kamakailan.
Sinabi ni MARINA-7 Maritime Technical Division Public Information Officer Rochyl Villamor, hindi na nila matiyak kung ligtas pang gamitin ang M/V Esperanza Star pagkatapos ng naturang sunog.
Kasabay nito, inatasan din ni Villamor ang mga safety engineer nito na magsagawa ng imbestigasyon sa insidente.
Inatasan din nito ang tanggapan nito sa Legazpi, Albay na mapalabas show-cause order laban sa may-ari ng barko.
Matatandaang patungo na sa Tagbilaran sa Bohol ang naturan barko mula sa Port of Lazi sa Siquijor nang maganap ang insidente.