Rollback sa presyo ng gasolina, diesel asahan sa Hunyo 30
Ipatutupad ngayong Martes, Hunyo 30, ang rollback sa presyo ng produktong petrolyo.
Sa abiso ng Shell, Petro Gazz, Clean Fuel at Seaoil, magkakaroon ng bawas-presyo sa gasolina, diesel at kerosene.
Nasa ₱0.35 ang ibabawas sa presyo ng kada litro ng gasolina, at ₱0.10 naman ang itatapyas sa presyo ng kada litro ng diesel.
Aabot naman sa ₱0.30 ang ibababa ng Shell at Seaoil sa presyo ng kada litro ng kanilang kerosene.
Ang price adjustment ay bunsod ng paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado