Naghahanda na ang Philippine National Police (PNP) para sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa Hulyo 24.

Ito ang sinabi ni PNP Public Information chief P/BGen. Redrico Maranan at sinabing wala pa silang impormasyon sa banta sa seguridad.

"Pinangungunahan 'yan ng NCRPO (National Capital Region Police Office) sa pamumuno ni Maj. Gen. (Edgar Alan) Okubo, at ayon sa kanilang paghahanda sa SONA ay ipatutupad 'yung gun ban, liquor ban, no-fly zone, road clearing at 'yung ating mga exercises na katulad diyan na marami tayong tinatawag na scenario," anang opisyal sa panayam sa telebisyon.

Kaugnay nito, nakiusap ito sa mga grupong magsasagawa ng kilos-protesta sa araw ng SONA na makipag-ugnayan muna sa mga awtoridad at kumuha ng permit to rally sa lokal na pamahalaan upang maiwasan ang hindi inaasahang pangyayari.
National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'