“Maligayang kaarawan, Dr. Jose Rizal! 🇵🇭”
Bilang pagdiriwang ng ika-162 anibersaryo ng kapanganakan ni Dr. Jose Rizal, isang piso na leaf art ang nilikha ng artist na si MM Dacanay, 25, mula sa Biñan City, Laguna para bigyang-pugay umano ang bayani.
Sa panayam ng Balita, ibinahagi ni Dacanay na iniukit niya sa dahon ng langka ang ginaya niyang 1-peso coin kung saan makikita ang imahen ni Rizal.
“Para maiba naman po [‘yung piso], normal ko lang po kasing nauukit ‘yung portrait ni Dr Jose Rizal,” ani Dacanay.
Dahil sa pagiging detalyado ng pisong kaniyang ginaya ay inabot naman daw siya ng apat na oras para matapos ang kaniyang obra.
“Detalyado at Mahusay 😍😍😍,” komento naman ng isang netizen nang i-post ni Dacanay ang kaniyang obra sa Facebook.
“Idol, penge po maraming piso. ,” biro naman ng isang netizen.
“galing naman talaga ,” komento ng isa pa.
–
Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!