Nilinaw ni Manila Mayor Honey Lacuna nitong Lunes na libre ang vaccination certificates sa Maynila.

Kasabay nito, hinikayat ni Lacuna ang lahat ng mga nangangailangan ng vax certificates na huwag lumapit sa mga 'fixers' dahil nakukuha naman ito sa pamahalaang lungsod nang libre o walang bayad.

Ayon kay Lacuna, ang vax certificates ay patuloy at mahalagang bahagi ng ilang okasyon sa kabila na tinanggal na ang mga restriksyon patungkol sa pandemya. 

Bilang patunay, sinabi ng alkalde na kailangan ito ng mga aalis ng bansa. 

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

“Minsan naghahanap sila ng vaccine record para me maipakita kayo na kumpleto,” sabi ng alkalde.

Idinagdag pa nito na: “Makukuha ‘yan (vax cert) sa CESU office ng San Miguel health center sa second floor."

Binigyang diin ni Lacuna na ang pagkuha ng kopya ng   vax certificate  ay walang bayad. 

“Walang dapat na bayaran so, walang dapat lapitan na fixer dahl makukuha ito nang libre,” pahayag nito.

Sinabi pa ni Lacuna na ang vax certificate ay mahalaga dahil kailangan itong dalhin ng mga gustong magpaturok ng  bivalent vaccines, dahil ito ay itinuturing na third booster.