Bumulusok pa sa 7.3% na lamang ang Covid-19 positivity rate sa  National Capital Region (NCR) hanggang noong Sabado.

Ito ay batay sa pinakahuling datos na ibinahagi ni Dr. Guido David, ng independent monitoring group OCTA Research, nitong Lunes.

Ayon kay David, ang seven-day testing positivity rate, o yaong porsiyento ng mga taong nagpopositibo sa Covid-19 mula sa kabuuang bilang ng mga taong isinailalim sa pagsusuri, ay bumaba mula sa 11.6% noong Hunyo 10, at naging 7.3% na lamang noong Hunyo 17.

Bumaba rin naman ang positivity rates sa Bataan, Batangas, Bulacan, Cagayan, Camarines Sur, Cavite, Isabela, La Union, Laguna, Oriental Mindoro, Pampanga, Quezon, Rizal, Tarlac, at Zambales, sa kahalintulad na petsa.

National

Bagong kurikulum ng DepEd, ipatutupad sa S.Y. 2025-2026

Gayunman, tumaas ito sa Palawan at Pangasinan.

Sa mga Luzon areas, ang positivity rate ay nakitang pinakamataas sa Isabela na nasa 29.2%, at pinakamababa naman sa NCR.