Usap-usapan ang tila makahulugang mga hirit ni Unkabogable Phenomenal Star Vice Ganda, sa intro ng hosts ngayong June 19 episode ng "It's Showtime."

Kapansin-pansin kasi ang madalas na pagsambit niya ng letrang "G" at mga salitang nagsisimula sa letrang G gaya ng "Galak na Galak," "Gandang-ganda," at "Game na Game."

Sa pag-awit nila ng kanilang theme song, maririnig ang linyang "Gulong ang buhay at umiikot lang."

"G na G na ba kayo madlang peepz?" tanong ni Meme Vice sa kanilang studio audience.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Naikonekta rin niya ito sa pagdiriwang ng ika-162 kaarawan ng isa sa mga itinuturing na dakilang bayani ng bansa na si Gat Jose Rizal.

Makahulugan din ang binitiwan niyang salawikain na "Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makararating sa paroroonan."

"Saan ba ang ating paroroonan?" malamang tanong ni Vice.

Sundot pa niya sa mga kasama, pagsisimula pa lamang ng linggo, kailangan daw ay G na G na ang lahat.

Sa comment section ng Kapamilya Online Live, dumagsa ang komentong baka pahiwatig raw ito ni Vice sa napababalitang may posibilidad na mapanood ang It's Showtime sa GTV, ang sister channel ng GMA Network.

"Uy, G na G na raw. Tuloy na kaya sa GTV?"

"Parang nagpapahiwatig na si Meme!"

"Hala... baka mapapanood na ang It's Showtime sa GTV?"

"Umikot na ang kapalaran, grabe ang bilis!"

"Palitan lang haha."

Kaugnay ito ng isyung baka mapaalis na sila sa noontime slot sa TV5 matapos ang paglipat ng TVJ at iba pang original Eat Bulaga hosts, matapos layasan ang TAPE, Inc. at kanilang noontime show na umeere sa Kapuso Network.

MAKI-BALITA: Kung sisipain sa TV5: It’s Showtime, posibleng mapanood sa GTV?

May lumabas pang ulat na nais pa rin ni Manny Pangilinan, owner ng TV5, na manatili ang It's Showtime sa network, subalit maililipat lamang sa ibang oras.

Samantala, wala pang kumpirmasyon ang pamunuan ng ABS-CBN, TV5, at GMA Network tungkol sa isyu ng noontime slot.