Nakiusap ang fans at supporters ni Kapuso singer Julie Anne San Jose kina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros na huwag na sanang "gatungan" pa ang iringan sa pagitan nila at ng fans nito, matapos pagtalunan ang titulong "The Pop Icon."
Nag-ugat kasi ito sa ibinigay na titulong "The Pop Icon" kay Julie Anne bilang coach ng "The Voice Generations" na malapit nang mapanood sa GMA Network soon, to be hosted by Dingdong Dantes. Makakasama pa rito ni Julie Anne sina Billy Crawford, Chito Miranda ng bandang Parokya ni Edgar, at Stell ng sikat na P-Pop group ngayon na SB19.
MAKI-BALITA: ‘Sinong tunay na Pop Icon?’ Fans ni Jolina, Julie Anne nagbardagulan
Banat ng batang 90s, ang tunay na "Pop Icon" ay si Jolens dahil tumatak mula noon hanggang ngayon ang impluwensya nito magmula sa musika, teleserye, pelikula, at fashion.
Samantalang si Julie Anne daw, ni isang kanta ay walang tumatak, at hindi rin naman daw markado ang kaniyang fashion style. Wala pa rin daw siyang pelikula, o linya sa pelikula na hanggang ngayon ay patuloy na naaalala. Saka lang daw siya napansin dahil sa "Maria Clara at Ibarra" subalit naungusan pa raw nina Barbie Forteza at David Licauco o "FiLay/BarDa."
Kaya ang siste, dahil sa pagiging trending ng usapin at bardahan sa social media, pinalitan na ang titulo ni Julie Anne, na "The Limitless Star Coach."
MAKI-BALITA: ‘Hindi na Pop Icon?’ Julie Anne, ‘The Limitless Star’ Coach na
Ngunit hindi pa natatapos ang hidwaan ng fans dahil sa patuloy raw na pagpo-post ni Jolina ng kaniyang achievements at throwback photos sa social media.
Nakadagdag pa nga rito ang deklarasyon ng momshie co-host na si Melai Cantiveros noong June 14 episode ng "Magandang Buhay," na malaya siyang sabihin na ang tunay na "Pop Culture Icon" ay si Momshie Jolens.
Sa comment section ng Instagram posts ni Jolina, marami ang sumasang-ayon sa tinuran ni Mela tungkol sa pagiging pop culture icon ni Jolens.
Sa kabilang banda, pinakiusapan siya at si Melai ng netizens na sitahin ang kaniyang fans at huwag nang i-bash o bardahin si Julie Anne.
Inungkat pa ng netizens na noong nasa GMA pa si Jolina ay minsan na niyang nakatrabaho si Japs (tawag kay Julie Anne).
"Nakatrabaho n'yo na si Julie Anne, kilala n'yo siya. Nanahimik po yung idol namin, ginatungan pa ni @mrandmrsfrancisco. Bash na bash na po si Julie sa issue na 'yan."
"I am just going to talk abt it one last time, naawa na ko kay Julie ilang araw na siya binabash at dinidiscredit sa mga achievements niya dahil sa title na binigay ng the voice na hindi nya cinlaim ni hindi nga pinost sa ig nya ang art card, @mariajolina_ig alam ko po mabuti kayong tao, the fact you supported leni, means you always fight for what is right. Sana ho mapagsabihan nyo din ang fans nyo at ang mga kapamilya alts to stop bullying julie online. Please lng po. Hindi na ho nakakatuwa ang pambubully nla, hindi na ho tama."
"Tagal mong nakasama si Julie wala kang awa nababash na s'ya."
"Sana hindi n'yo na lang po ginatungan ni @mrandmrsfrancisco ang issue, alam n'yo po na mabait at humble po si Julie Anne San Jose at nakatrabaho n'yo na po sa GMA. Madami nagbabash po sa kaniya ngayon na never niya claim yung title na yun. Nanahimik po ung idol namin. Nakaka-disappoint lang po na bakit kelangan pa sabihin un sa TV. Sobrang bash na bash na po si Julie Anne @mariajolina_ig @reginevalcasid @mrandmrsfrancisco.|
Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag sina Jolina at Melai tungkol sa isyu.
MAKI-BALITA: Melai, idineklarang si Jolina ang tunay na ‘pop culture icon’
MAKI-BALITA: Pag-flex ni Jolina sa achievements nila nina Regine, Jaya inulan ng reaksiyon