Tila "pinalagan" ni Queen of All Media Kris Aquino ang isang pahayag mula sa "di pinangalanang" tao na nagsasabing inaalagaan siya nito sa Los Angeles, California, USA at nagbitiw pa ng pahayag tungkol sa kanilang relasyon.

Bagama't walang binanggit na pangalan kung sino ang tinutukoy, naniniwala ang mga netizen na reaksiyon ito ni Kris sa napababalitang special someone niya na si Batangas Vice Governor Mark Leviste.

"For my peace of mind, just the facts: without my knowledge or consent, someone spoke about what’s supposed to be his 'taking care of me in LA' plus 'our happy and full of love relationship' - yet just like any new relationship many couples will easily identify, we are still adjusting to each other’s already set habits & ways," ani Kris sa kaniyang Instagram post.

"Recently there have been unavoidable conflicts. I don’t believe in presenting a happy picture when that’s not quite our current reality. I’m hopeful we can still work through our differences, though a part of me realizes the lack of wisdom in embarking on a relationship while undergoing treatment."

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Sa iba pang detalye, tila nagpahiwatig si Kris na mukhang may reconciliation na nagaganap sa pagitan ng bunsong anak na si Bimby, at tatay nitong si James Yap.

Aniya, alam daw niya ang pakiramdam na "fatherless" pagkatapos ng Martial Law kaya hindi raw niya ipararanas kay Bimby ang naging kapalaran niya.

"On a happier note: no names shall be named BUT it will be easy for you to figure out… maraming pinagdaanan. maraming hindi pagkakaunawaan pero ayokong masabi na pinipigilan ko si Bimb… my own childhood was fatherless because of Martial Law so why’d I subject my bunso to the same fate?"

"From the time Bimb was 8, he had the freedom to decide… now at 16 i told him- “When someone reaches out after 7 years, and there’s a chance for PEACE, then everyone WINS.'"

"Yesterday Father’s Day, my bunso made me proud - he’s had the number to contact for almost a week, and the reluctance was so real, yet he took the 1st step towards rebuilding a relationship that I know will require some time to repair PERO ang mahalaga ay nagsimula na…" ani Kris.

Kamakailan lamang ay nag-post si Mark ng kaniyang pasasalamat kay Kris dahil sa Europe trip treat na ibinigay nito sa kaniyang anak na si Arielle Leviste.

Nagsambit pa ng "Ti Amo" o "I Love You" ang Batangas Vice Governor para sa kaniya.

MAKI-BALITA: Mark Leviste kinakiligan matapos sabihan ng ‘Ti Amo’ si Kris Aquino

Noong Hunyo 16, nakapanayam sa TeleRadyo si Leviste at naungkat ang kanilang relasyon ni Kris.

Kahit abala raw siya sa trabaho, naisisingit pa rin daw niya ang kaniyang love life.

"A happy vice governor makes a happy province," aniya.

"O, di ba? Kailangan meron tayong pinaghuhugutan ng inspirasyon at ligaya."

"I'm here right now in Los Angeles, taking care of her, keeping her company, while her son Bimby is back home in Manila," dagdag pa ng public servant.