Naitala na ng Pilipinas ang kauna-unahang kaso ng Covid-19 Omicron subvariant FE.1.
Ito ay batay sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH) nitong Lunes.
National
VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya
Base sa latest Covid-19 biosurveillance report ng DOH, nabatid na ang nag-iisang kaso ng FE.1 o XBB.1.18.1.1 ay natuklasan sa genome sequencing na isinagawa mula Mayo 29 hanggang Hunyo 12, 2023.
Ang FE.1, na sublineage ng Omicron XBB subvariant, ay nadagdag sa listahan ng mga variants under monitoring (VUMs) ng European Centre for Disease Prevention and Control noong Hunyo 1, 2023.
Unang sinabi ng DOH na mayroon itong 'increasing global prevalence' at na-detect na sa may 35 bansa.
Nilinaw naman ng ahensiya na base sa kasalukuyang available na ebidensiya para sa subvariant, hindi ito nagpapakita ng anumang pagkakaiba sa disease severity at maging sa clinical manifestations kumpara sa orihinal na Omicron variant.
“Limited information is available for the variant and researchers are currently characterizing FE.1 in terms of transmissibility, immune evasion, and ability to cause more severe disease,” anang DOH.
Bukod naman sa FE.1, natukoy din ng DOH sa bansa ang nasa 206 pang Omicron BA.2.3.20 cases; 34 na XBC cases; anim na BA.2.75 cases; apat na BA.5 cases; at 26 na iba pang Omicron sublineages.
Sa karagdagang XBB subvariants, 747 ang XBB.1.9.1 cases; 374 ang XBB.1.5 cases; 199 ang XBB.1.16 cases; 198 ang XBB.2.3 cases; at 104 ang XBB.1.9.2 cases