Pormal nang inilipat ni Department of Health (DOH) Undersecretary Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang DOH leadership sa bagong hinirang na kalihim na si Dr. Teodoro "Ted" Herbosa nitong Lunes, Hunyo 19, kasabay ng pagdiriwang ng ika-125 anibersaryo ng departamento.

Nagbukas ang DOH sa formal assumption ni Herbosa bilang Health Secretary, kung saan tinanggap niya ang banner ng DOH mula kay Vergeire bilang simbolo umano ng paglilipat ng awtoridad.

Sa kaniyang talumpati, nangako si Herbosa na ipagpatuloy niya ang mabuting pamamahala at proseso ng mga reporma na ipinatupad ni Vergeire.

Binigyang-diin din umano niya ang kaniyang eight-point action agenda para ganap na maisakatuparan ang Universal Health Care (UHC) Act.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Secretary Herbosa vowed in his speech to continue the good governance and process reforms implemented by Usec. Vergeire has started. He also underscored his eight-point action agenda to fully realize the Universal Health Care (UHC) Act.

Kabilang umano sa naturang eight-point action agenda ang mga sumusunod:

1. Bawat Pilipino, ramdam ang kalusugan

2. Ligtas, dekalidad, at mapagkalingang serbisyo

3. Teknolohiya para sa mabilis na serbisyong pangkalusugan

4. Handa sa krisis

5. Pag-iwas sa sakit

6. Ginhawa ng isip at damdamin

7. Kapakanan at karapatan ng health workers

8. Proteksyon sa anumang pandemya.

"Let us be united in building a healthier, more resilient future. I am confident that together we will bring a healthy, comfortable, and secure life for every Filipino for generations to come,” ani Herbosa.

“Sa Healthy Pilipinas: Bawat Buhay Mahalaga!" saad pa niya.

Inanunsyo ng Malacañang ang pagtalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay Herbosa bilang bagong kalihim ng DOH noong Hunyo 5.

MAKI-BALITA: PBBM, itinalaga dating Covid-19 task force adviser bilang bagong DOH chief