Binigyang-pugay ng Czech Embassy in Manila ang bayaning si Jose Rizal sa kaniyang ika-162 anibersaryo ng kapanganakan nitong Lunes, Hunyo 19, at ipinagdiwang ang kaniyang naging pakikipagkaibigan kay Ferdinand Blumentritt na ipinanganak naman umano sa Czech Republic.

“Today is the 162ⁿᵈ birth anniversary of Dr. Jose Rizal, Philippine national hero and one of the closest friends/kaibigan/přátelé of Czech-born Ferdinand Blumentritt,” pahayag ng Czech Embassy.

Naging isa sa mga pinakamalapit at pinagkakatiwalaang kaibigan ni Rizal si Blumentritt, na nag-aral sa Pilipinas.

Isinalin din umano nito sa wikang Aleman ang isang kabanata ng unang aklat ni Rizal na Noli Me Tangere, at isinulat ang paunang salita o preface ng ikalawang aklat ni Rizal na El Filibusterismo.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

“The deep bond and relationship between the Czech Republic and the Philippines can be likened to that between Rizal and Blumentritt,” anang Czech Embassy.

“Today, we honor the legacy of Rizal and celebrate his friendship with Blumentritt—a special bond that we treasure and nurture to this day,” dagdag nito.

Matatandaang nitong buwan ng Abril, nag-alay ng bulaklak si Czech Republic Prime Minister Petr Fiala sa monumento ni Rizal sa Luneta Park sa Maynila nang bumisita ito sa bansa.

MAKI-BALITA: Czech Republic PM Fiala, nag-alay ng bulaklak sa monumento ni Rizal