
(Manila Bulletin File Photo)
4,281 bagong kaso ng Covid-19, naitala mula Hunyo 12-18
Nasa 4,281 pang bagong kaso ng coronavirus disease 2019 sa bansa ang naitala ng Department of Health mula Hunyo 12-18.
Sa National Covid-19 case bulletin, ang average na bilang ng mga bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 612.
Ito ay mas mababa ng 35% kumpara sa mga kaso na naitala noong Hunyo 5 hanggang 11.
Sa mga bagong kaso, 57 ang may malubha at kritikal na karamdaman.
Nitong Hunyo 18, mayroong 477 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa mga ospital dahil sa sakit.
Sa 2,080 ICU beds para sa mga pasyenteng may Covid-19, 346 o 16.6% ang okupado.
Kaugnay nito, patuloy pa ring pinaaalalahanan ng DOH ang publiko na huwag maging kampante sa banta ng sakit.