Matapos banggitin ang kasalukuyang sitwasyon ng Bulkang Mayon, hinimok nina Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co at Albay 2nd district Rep. Joey Salceda ang Senado na mabilis na aprubahan ang bersyon nito ng panukalang batas na nagsusulong ng pagtatayo ng mga permanenteng evacuation center sa bawat local government unit (LGU) sa bansa.

Sinabi nila sa isang pahayag nitong Linggo, Hunyo 18, na ang kasalukuyang sitwasyon ng Mayon at ang madalas na pagharap ng Bicol sa malalakas na bagyo ay nagpapakita ng pangangailangan para sa naturang mga evacuation center.

"The approval of this bill is of paramount importance in safeguarding the lives and well-being of our communities," ani Co.

"The traditional practice of utilizing public schools as evacuation centers falls short in providing the necessary facilities to accommodate evacuees effectively. We must prioritize the safety of our people without compromising their education," dagdag niya.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nauna nang inaprubahan ng House of Representatives ang House Bill (HB) No.7354. Sa pangunguna ni Martin Romualdez, naglalayon ang panukala na magtatag ng mga evacuation center sa bawat lungsod at munisipalidad sa buong Pilipinas.

Sinabi ni Co na mahalaga ang mga permanenteng evacuation center sa pagbibigay ng agaran at pansamantalang akomodasyon para sa mga indibidwal na apektado ng mga kalamidad.

"It is essential that we have dedicated facilities in place to ensure the well-being and safety of our people during times of crises,” aniya.

Sinang-ayunan naman ni Salceda ang kaniyang kapwa Bicolano.

"The establishment of these evacuation centers will enhance our preparedness and resilience in the face of environmental challenges. We must prioritize the approval of this bill to provide the necessary infrastructure that can adequately support our communities during calamities," ani Salceda.

Ang agarang pagkakaroon ng mga evacuation center ay ipinapakita umano ng kamakailang pag-aalburoto ng Bulkang Mayon, gaya ng ibinahagi ng tagapagsalita ng Office of Civil Defense (ODC) na si Diego Mariano.

Dagdag ni Co, "We need to take immediate action to protect the lives and welfare of our communities in vulnerable areas. By establishing permanent evacuation centers, we can ensure the safety and well-being of our people when faced with disasters."

Kapag naaprubahan na ng Senado ang bersyon nito ng panukalang batas, magpupulong ang mga miyembro ng Kamara at mga senador sa isang pagdinig ng Bicameral Conference Committee upang pagtugmain ang dalawang bersyon. Pipirmahan naman ng Pangulo ang resulta at pinagsama-samang panukalang batas.

Ellson Quismorio