Bumaba pa sa 10.3 porsyento ang 7-day Covid-19 positivity rate ng Pilipinas hanggang nitong Hunyo 17, Sabado.

Sa datos na ibinahagi ni OCTA Research fellow Guido David sa kanyang Twitter account, ang nasabing positivity rate ay bahagyang bumaba kumpara sa dating 10.7 porsyento na naitala nitong Hunyo 16.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

“June 17 2023 DOH reported 693 new cases, 1 death,  1025 recoveries 9005 active cases. 10.3% 7-day positivity rate. 144 cases in NCR. Projecting 600-700 new cases on 6.18.23,” tweet ni David.

Una nang iniulat ni David na noong Hunyo 13, bumaba na sa 9.4% o less than 10% ang COVID-19 positivity rate sa NCR, mula sa dating 14.6% noong Hunyo 6.

Kaugnay nito, nakapagtala naman ang Department of Health (DOH) ng 693 bagong kaso ng sakit kamakalawa, Hunyo 17, kabilang ang 144 mula sa National Capital Region (NCR).

Sa kasalukuyan, nasa 4,158,584 na ang kabuuang kaso sa Pilipinas, gayunman, 9,005 na lamang sa mga ito ang aktibong kaso o maaari pang makahawa.