Umani ng reaksiyon at komento mula sa madlang netizens ang pag-post ng tinaguriang "Pop Culture Icon" na si Jolina Magdangal, sa naging achievement nila sa music industry ng kapwa "Magandang Buhay" momshie host na si Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid, at Queen of Soul Jaya.
Ibinahagi kasi ni Jolina sa Instagram post ang screenshot na silang tatlo nina Regine at Jaya ang "Only Filipino female recording artists" na nakapagbenta ng 2 or more albums na may 200k copies.
"Awwwwwwwwww!!!!! Kiliiiiiiig!!! Mga ate ko 'yan!!!!! Love you Ate @reginevalcasid and Ate @jaya," caption ni Jolina.
Tumugon naman dito si Jaya na nasa Amerika na, "Ay bongga!!! Honored to be in your company my loves."
Segunda naman ng "Magandang Buhay" co-host na si Melai Cantiveros, "That's my friends."
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens, lalo na't nababash si Kapuso singer at tinaguriang "Asia's Limitless Star" na si Julie Anne San Jose, matapos ikapit dito ang titulong "Pop Icon" bilang isa sa coaches ng "The Voice Generations."
"Hindi na 'yan mawawala pa. Basta 90s kids automatic Jolina M. lang ang sasabihin. Really a POP ICON."
"REAL POP ICON!"
"I am just going to talk about it one last time, naawa na ko kay Julie ilang araw na siya binabash at dinidiscredit sa mga achievements niya dahil sa title na binigay ng the voice na hindi nya cinlaim ni hindi nga pinost sa ig nya ang art card, @mariajolina_ig alam ko po mabuti kayong tao, the fact you supported leni, means you always fight for what is right. Sana ho mapagsabihan nyo din ang fans nyo at ang mga kapamilya alts to stop bullying julie online. Please lng po. Hindi na ho nakakatuwa ang pambubully nla, hindi na ho tama."
"Sana hindi niyo na lang po ginatungan ni @mrandmrsfrancisco ang issue, alam niyo po na mabait at humble po si Julie Anne San Jose at nakatrabaho niyo na po sa GMA. Madami nagbabash po sa kanya ngayon na never niya claim ung title na yun. Nanahimik po ung idol namin. Nakaka-disappoint lang po na bakit kelangan pa sabihin un sa TV. Sobrang bash na bash na po si Julie Anne."
"Nakatrabaho niyo na si Julie Anne, kilala niyo siya. Nanahimik po ung idol namin, ginatungan pa ni @mrandmrsfrancisco. Bash na bash na po si Julie sa issue na yan @reginevalcasid @mariajolina_ig."
Kaugnay nito, naging usap-usapan ang naging pahayag ni Melai sa Magandang Buhay hinggil sa pagiging "tunay" na pop culture icon ni Jolina, sa naging episode ng morning talk show noong Araw ng Kalayaan, Hunyo 12.
Sa panimula ng talk show, nagbigay ng kani-kanilang pahayag ang momshie hosts sa perspektibo nila ng pagiging malaya.
Singit ni Melai, "Malaya rin kaming sabihin na ikaw talaga ang tunay na pop culture icon!"
Makikitang nakangiting tinakpan ni Jolina ang kaniyang mukha at tila sumang-ayon naman dito si Momshie Regine Velasquez-Alcasid.
Matatandaang kamakailan lamang ay nagtalo-talo ang fans nina Jolina at Kapuso singer-actress Julie Anne San Jose, matapos bigyan ng titulong "Pop Icon" ang huli, bilang isa sa coaches ng "The Voice Generations."
Ang tunay raw na Pop Icon ay si Jolina lalo na noong kasagsagan ng career noong 90s. Saklaw nito hindi lamang ang musika kundi maging sa pelikula, serye, at fashion style. Hindi ba't pinauso nga ni Jolens ang hair clip na butterfly, at ang pagdadamit ng makulay na kagaya ng Christmas tree?
Si Julie Anne daw, matagal na sa industriya subalit hindi pa raw ganoon kakilala, at ni isang kanta na wala pang napasikat. Naging matunog lang daw ang pangalan ni Julie Anne dahil sa seryeng "Maria Clara at Ibarra."
Makalipas ang ilang araw, lumabas ang isang art card na ang nakalagay na titulo para kay Julie Anne ay "The Limitless Star Coach."
Samantala, wala pang pahayag ang kampo nina Jolina at Julie Anne hinggil dito.
MAKI-BALITA: Melai, idineklarang si Jolina ang tunay na ‘pop culture icon’