Namahagi ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ng munting regalo para sa mga ama o "haligi ng tahanan" ngayong Father’s Day na natapat sa Linggo.

Pinangunahan mismo ni Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette Aquino ang pamamahagi ng munting regalo para sa mga ama.

Dakong 11:00 ng umaga ngayong Linggo ay namigay ng mug na may tatak na "Best Dad Ever" ang mga kawani ng MRT-3 sa mga piling pasaherong ama.

Idinahilan ng MRT-3, pagkilala nila ito sa sakripisyo ng bawat tatay na bihirang nabibigyan ng pagkilala. 

FPRRD, may agam-agam umano sa Halalan 2025 ayon kay VP Sara