Usap-usapan pa rin hanggang ngayon ang naging pahayag ng "Magandang Buhay" momshie host Melai Cantiveros na ang "tunay" na pop culture icon ay ang co-host na si Jolina Magdangal, sa naging episode ng morning talk show noong Araw ng Kalayaan, Hunyo 12.

Sa panimula ng talk show, nagbigay ng kani-kanilang pahayag ang momshie hosts sa perspektibo nila ng pagiging malaya.

Singit ni Melai, "Malaya rin kaming sabihin na ikaw talaga ang tunay na pop culture icon!"

https://twitter.com/AltStarMagic/status/1668822421904973824?ref_src=twsrc%5Etfw%7Ctwcamp%5Etweetembed%7Ctwterm%5E1668822421904973824%7Ctwgr%5E236e884aca140605221436d0f682dacd67e08739%7Ctwcon%5Es1_&ref_url=http%3A%2F%2Fwww.fashionpulis.com%2F2023%2F06%2Ftweet-scoop-netizens-react-to-melai.html

National

Makabayan bloc, pinuna balak ni FPRRD na maging abogado ni VP Sara: 'Desperate political maneuver!'

Makikitang nakangiting tinakpan ni Jolina ang kaniyang mukha at tila sumang-ayon naman dito si Momshie Regine Velasquez-Alcasid.

Matatandaang kamakailan lamang ay nagtalo-talo ang fans nina Jolina at Kapuso singer-actress Julie Anne San Jose, matapos bigyan ng titulong "Pop Icon" ang huli, bilang isa sa coaches ng "The Voice Generations."

Ang tunay raw na Pop Icon ay si Jolina lalo na noong kasagsagan ng career noong 90s. Saklaw nito hindi lamang ang musika kundi maging sa pelikula, serye, at fashion style. Hindi ba't pinauso nga ni Jolens ang hair clip na butterfly, at ang pagdadamit ng makulay na kagaya ng Christmas tree?

Si Julie Anne daw, matagal na sa industriya subalit hindi pa raw ganoon kakilala, at ni isang kanta na wala pang napasikat. Naging matunog lang daw ang pangalan ni Julie Anne dahil sa seryeng "Maria Clara at Ibarra."

Makalipas ang ilang araw, lumabas ang isang art card na ang nakalagay na titulo para kay Julie Anne ay "The Limitless Star Coach."

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Si Jolina Magdangal naman talaga legit na True Icon. Yun isa di ko kilala!"

"The fact that you have to defend someone's title to this extent says something. Move on, majority of the people sinasabi nang MAS iconic si Jolina kesa kay Julie Anne and for sure nakisakay lang 'yung co-host niya sa trend na 'yun."

"Even for the current gen 'di gaanong kalakas impact ni Julie Anne, I don't know anything about her other being a GMA artist."

"Japs is undoubtedly a good artist but Jolina is indeed a POP icon. Japs' fans only know her songs but Jolina has hits still played & sang today. She also has a memorable body of works in tv & movies as well as in shaping the PH fashion today. Japs may be more relevant today but she is still far from icon status."

"Jolina nakataktak na 'yan. TV, movies, and fashion style at iconic talaga. From 90's until now nandiyan pa. So walang mali sa sinabi ni Melai."

Lalo pang naglatang ang isyu nang i-post pa ni Jolina ang achievements niya sa social media.

Samantala, wala pang opisyal na pahayag sina Jolina at Julie Anne hinggil sa isyu.

MAKI-BALITA: ‘Sinong tunay na Pop Icon?’ Fans ni Jolina, Julie Anne nagbardagulan

MAKI-BALITA: ‘Hindi na Pop Icon?’ Julie Anne, ‘The Limitless Star’ Coach na