Idineklara ng Malacañang bilang special non-working holiday ang Hunyo 24 sa Lungsod ng Maynila upang markahan umano ang ika-452 anibersaryo ng pagkakatatag nito.

Nakasaad sa Proclamation No. 261 na gagawing special non-working holiday ang anibersaryo ng pagkakatatag ng Lungsod ng Maynila upang mabigyan umano ang mga mamamayan ng pagkakataong makibahagi sa pagdariwang ng lugar.

"WHEREAS, it is but fitting and proper that the people of the City of Manila be given full opportunity to participate in the occasion and enjoy the celebration," nakasaad sa proklamasyon.

Sinabi naman ng city government na naghanda ito ng iba't ibang mga aktibidad para sa mga Manilenyo, kabilang na umano ang mga pageant, parada, exhibit, at talent competitions bilang paggunita sa naturang founding anniversary ng lungsod.
Metro

Tatay na umano'y nambugbog, sugatan matapos gantihan at saksakin ng anak