Nagkaloob ang bansang Japan ng mga refrigerated truck para sa mga magsasaka sa mga probinsya ng Rizal, Laguna, at Antique upang matulungan umano sila sa pagtataguyod ng kanilang mga produkto.

Sa isang pahayag, ibinahagi ng Embassy of Japan in the Philippines na sa tulong ng mga bagong refrigerated truck, magkakaroon ng mas mahusay na kontrol ang mga magsasaka pagdating sa mga gastos sa transportasyon, oras ng paghahatid, at kalidad ng produkto.

“The vehicles will serve as a key instrument for empowerment of the farmers as this will allow them to promote their products to more clients and carve a niche in the sector,” saad ng Japan Embassy.

Iniabot umano ng Embahada ang mahigit tatlong refrigerated trucks sa Ahon sa Hirap, Inc. (ASHI) mula sa kanilang project sites na matatagpuan sa tatlong probinsya noong Hunyo 15.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Ang ASHI ay isa umanong non-governmental organization na may layuning tulungan ang mga maliliit na magsasaka mula sa kanilang mga project sites na matatagpuan sa mga Rizal, Laguna, at Antique.

“With the lack of access to logistical equipment, the farmers assisted by ASHI had limited capacities in ensuring the timely delivery of their produces and retaining its quality and freshness,” anang Japan Embassy.

“They also had to shoulder high transportation costs. Under these circumstances, ASHI recognized the necessity to streamline the supply chain operations of the farmers,” dagdag nito.