BATANGAS - Isang binatilyong estudyante at isa pang hindi nakikilalang lalaki ang nalunod sa magkahiwalay na insidente sa Lian at Nasugbu sa Batangas nitong Sabado.

Ang unang nasawi ay kinilala ng pulisya na si Aaron Lloyd Aquino, Grade 12 student at taga-Brgy. Sauyo Road, Novaliches, Quezon, City,

Tinataya namang nasa 50 hanggang 60-anyos ang ikalawang nasawi na nakasuot ng green na t-shirt at blue maong shorts.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nawawala pa rin sina Patrick Torres, 19, at Benjie Muñoz, 21, kapwa taga-Brgy. Sauyo, Novaliches, Quezon City.

 Sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), nag-outing ang grupo ni Aquino sa isang beach resort sa Brgy. San Diego, Lian dakong 8:00 ng umaga.

Pagkatapos ng inuman, lumusong sa dagat si Aquino, kasama ang tatlong kaibigan.

Sa salaysay naman ni John Denmark Cruz, isa sa mga nakaligtas, nahila sila ng malakas na alon na nagresulta sa pagkalunod ng tatlo.

Nagsasagawa pa rin ng search and rescue operations ang Philippine Coast Guard (PCG), mga miyembro ng Lian Municipal Risk Reduction Management Office (MDRRMO), at mga opisyal ng Barangay San Diego.

Sa Nasugbu, isa namang bangkay ng hindi nakikilalang lalaki ang natagpuang lumulutang malapit sa dalampasigan sa Sitio Maligaya, Brgy. Bucana, Nasugbu.

Ayon sa pulisya, isang mangingisda ang nakakita sa nasabing bangkay dakong 7:00 ng umaga.

Under investigation pa ang nasabing kaso, sabi pa ng pulisya.