National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Hinikayat ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang publiko na magtungo na sa pinakamalapit na lotto outlet sa kanilang lugar upang tumaya sa kanilang paboritong lotto games.

Ito’y dahil nakatakdang bolahin ngayong Linggo, dakong 9:00 ng gabi, ang UltraLotto 6/58 na ang jackpot ay inaasahang papalo na sa ₱273 milyon.

Nilinaw ng PCSO, bobolahin din sa naturang oras ang ₱15.8 milyong jackpot ng SuperLotto 6/49.

Ang UltraLotto 6/58 ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo habang ang SuperLotto 6/49 naman ay may draw tuwing Martes, Huwebes at Linggo.