Ilulunsad na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang P80 milyong livelihood project para sa mga mangingisdang nakatira malapit sa West Philippine Sea (WPS).
“Nakikita po namin na ilulunsad ang isang proyekto ng BFAR sa West Philippine Sea at tatawagin po namin itong ‘LAYAG WPS’ project or ‘LAYAG West Philippine Sea.’ LAYAG stands for Livelihood Activities to Enhance Fisheries Yield and Economic Gains from WPS,” banggit ni BFAR chief information officer Nazario Briguera nitong Sabado.
Paliwanag ng ahensya, sakop ng programa ang mga benepisyaryo mula sa Ilocos region, Central Luzon, at MiMaRoPa, partikular na sa mga lugar na malapit sa WPS.
Ang naturang hakbang ng pamahalaan ay isinapubliko matapos bumisita ang mga opisyal ng ahensya sa mga komunidad sa Pag-asa Island upang ihatid ang kanilang programa at proyekto kamakailan.