Nagpahayag umano ng “grave disappointment” ang mga eksperto sa United Nations (UN) matapos tanggihan ng korte ang petisyon ng piyansa ni dating senador Leila de Lima at nanawagan ng agaran nitong paglaya.

Sa isang pahayag nitong Biyernes, Hunyo 16, iginiit ng UN experts na ang pagtanggi ng korte ng Pilipinas sa petisyon ni de Lima ay nagpapabagal sa kaniyang anim na taong pagkakakulong kahit na binawi na ng pangunahing mga saksi ang ebidensya laban sa kaniya.

“We have long called for the immediate release of Leila de Lima,” saad ng mga eksperto. 

“The decision to deny bail comes after more than six years of arbitrary detention. It is high time for the administration of President Marcos Jr. to close this case once and for all, provide compensation and other reparations, and investigate the circumstances that allowed this to happen in the first place,” dagdag nito.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nauna nang tinanggap ng mga UN experts ang pagpapawalang-sala ni de Lima noong Pebrero 17 2021, sa isa sa tatlong kaso laban sa kaniya. Naabswelto rin ang dating senador sa ikalawang kaso noong Mayo 2023, matapos bawiin ng mga pangunahing saksi ang kanilang ebidensya.

MAKI-BALITA: De Lima, pinawalang-sala sa isa pang drug case

“According to international human rights law, personal liberty is the principle, and detention should be the exception rather than the rule,” saad umano ng 2021 report ng Working Group.

Binigyang-diin naman ng mga eksperto na kailangan din sa international standards na unahin ang non-custodial measures para sa mga kababaihan.

“We are deeply concerned that after six years of arbitrary detention, Leila de Lima will now continue to be detained after her bail application was denied on 7 June 2023,” anila.

MAKI-BALITA: Bail petition ni De Lima, ibinasura ng korte

Sa opinyon nito noong 2018, natuklasan umano ng UN Working Group na ang pagkakulong ni de Lima ay resulta ng kaniyang paggamit ng kaniyang karapatan sa “political participation, freedom of opinion and expression, thought and conscience, and was imposed through a process that did not respect the basic guarantees of a fair trial.”