
(📸 Ali Vicoy/Manila Bulletin))
Senator Revilla, namahagi ng tig-₱5,000 sa mga evacuee sa Albay
Namahagi si Senator Ramon Revilla, Jr. ng tig-₱5,000 sa mga lumikas na residente ng Albay na apektado ng pag-aalburoto ng Mayon Volcano nitong Hunyo 17.
Mahaba ang pila ng mga evacuee sa San Antonio Elementary School sa Tabaco, Albay matapos ipahayag ng senador na magbibigay siya ng ayuda sa mga residente.
Isinagawa ang distribusyon ng cash assistance sa tulong ni Tabaco City Mayor Cielo Burce-Lagman.
Hindi pa makumpirma kung personal na pera ng senador ang ginamit na pang-ayuda.
Matatandaang lumikas ang mga residenteng saklaw ng 6-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) dahil na rin sa bantang pagsabog ng bulkan.