Isang araw bago ang Father’s Day, binigyang-diin ni Davao del Norte 1st district Representative at dating House Speaker Pantaleon Alvarez ang pangangailangang tugunan ang "overlooked issue" ng battered husbands.
“Sa mga mag-asawa, meron ding mga battered husbands na madalas nakakalimutan nating bigyan ng pansin, isinasantabi dahil sa pag-iisip na okay lang dahil lalake naman," pahayag ni Alvarez nitong Sabado, Hunyo 17.
"Pero hindi dapat ganoon, dapat bigyan rin natin sila ng pagkakataon na makalaya sa mga ganitong sitwasyon. Ang lalaki, nasasaktan din," dagdag niya.
Si Alvarez ay isang hardcore supporter ng pro-divorce legislation sa Pilipinas.
Sinabi niya na sa pamamagitan ng pagtataguyod niya para sa divorce, hinahangad niyang lumikha ng isang kapaligiran na nagtataguyod ng malusog na co-parenting arrangements at nagpapahintulot sa mga ama na umunlad, sa personal man o propesyonal, para matiyak din ang pinansiyal na kagalingan ng kanilang mga anak.
"Father's Day serves as a reminder to recognize the struggles fathers face and their need for support. It is our duty to support fathers trapped in toxic marriages, allowing them to break free and rebuild their lives," anang Mindanao solon.
“Tulungan din natin ang mga tatay! Mahalagang reporma ang divorce legislation. If we succeed, we provide fathers the opportunity to address their mental health and emotional well-being so that they can be better fathers to their children.
"When these foundations are firmly set, they also become better and more productive citizens of our country," saad pa ni Alvarez.
Ellson Quismorio