Hiniling ni Papal Nuncio Archbishop Charles John Brown sa mga mananampalatayang Pilipino na patuloy na manalangin para sa kalusugan at patuloy na paggaling ni Pope Francis.

Lumabas na ang pinuno ng Simbahan sa Gemelli Hospital sa Rome nitong Biyernes, Hunyo 16, siyam na araw matapos siyang sumailalim sa matagumpay na abdominal hernia operation.

“Please pray for him. Pray for God’s blessings on him,” anang Papal envoy sa kaniyang homiliya sa isang banal na misa sa Kapistahan ng Sacred Heart of Jesus sa National Shrine of the Sacred Heart sa Makati City nitong Biyernes.

“He knows that the Philippines is a powerhouse of prayer,” ani Archbishop Brown.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ito na ang pangalawang pagkakataon umano ng Santo Papa na maospital sa loob ng dalawang buwan.

Noong Marso, naospital siya nang tatlong araw para sa paggamot sa bronchitis. Gumugol din siya ng 10 araw sa Gemelli noong Hulyo 2021 para sa kaniyang naunang intestinal surgery.

Nakikipaglaban din si Pope Francis sa problema sa tuhod, na siyang dahilan ng paggamit niya ng tungkod at wheelchair mula noong nakaraang taon.

Sinabi ng Vatican na nakatakdang maglakbay ang Santo Papa sa Portugal para sa World Youth Day mula Agosto 2 hanggang 6, at sa Mongolia mula Agosto 31 hanggang Setyembre 4.

Christina Hermoso